Road safety training muna bago PUV franchise renewal – LTFRB

PHOTO: Composite of LTFRB logo and jeepney FOR STORY: Road safety training muna bago PUV franchise renewal – LTFRB
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Kailangan muna na sumailalim sa road safety training ang mga nais magpa-renew ng prangkisa ng pampublikong sasakyan, inanunsyo nitong Miyerkules ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, ang hakbang ay bunsod ng nakakabahalang bilang ng mga aksidente sa kalsada.

Aniya, base sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority, noong 2022, nakapagtala ang 157 aksidente kada araw sa mga kalsada sa Metro Manila.

READ: LTFRB, pinaigting ang pagbabantay sa pagbibigay ng diskuwento sa pasahe

Noong Enero 2023 hanggang Hulyo 2023, nasa 44,493 aksidente ang naitala sa Metro Manila.

Ayon pa kay Guadiz, noon pang nakaraang 2024 ang LTFRB ng memorandum ukol sa mandatory training ng mga driver at konduktor at pagpapatibay sa Driver’s and Conductor’s Academy Program (CDAP).

Ang pagsasanay ay disenyo ng ahensya at ito ay isasagawa naman sa accredited driving schools.

Ang bayad sa pagsasanay ay P8,000.

Read more...