Isinugod sa Gemelli hospital si Pope Francis matapos tamaan ng sakit na flu.
Ayon sa Vatican, wala namang dapat na ikabahala ang publiko dahil wala namang respiratory problem ang Santo Papa.
Nabatid na sumailalim sa CAT scan ang Santo Papa.
Matatandaan na isinugod na rin sa kaparehong ospital ang Santo Papa dahil sa respiratory infection.
Wala namang abiso ang Vatican kung matutuloy o hindi ang biyahe ng Santo Papa sa Biyernes sa Dubai para sa COP28 conference on climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.