Inflation noong Pebrero bumaba sa 2.1% – PSA

PHOTO: File illustration graphic for inflation FOR STORY: Inflation noong Pebrero bumaba sa 2.1% - PSA
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Bumagal sa 2.1% ang inflation noong nakaraang buwan mula sa 2.9% noong unang buwan ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA Assistant Secretary Divina Gracia del Prado ang pagbagal ng inflation ay dahil sa pagbaba ng presyo ng mga pagkain at mga hindi nakakalasing na inumin.

Dinagdag ng opisyal na malaking tulong ang idineklarang food security emergency ng Department of Agriculture (DA) para bumaba ang presyo ng mga pagkain.

BASAHIN: DA maglalabas ng 3M sako ng NFA rice laban sa mataas na presyo

Nabatid ng Radyo Inquirer na 3% ang naitalang paggalaw ng presyo ng bigas noong nakaraang buwan.

Nakatulong din aniya ang pamamahagi ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa mga lokal na pamahalaan, gayundin ang pagbebenta ng murang bigas sa Kadiwa Stores.

Bumaba din ang halaga ng mga gulay, ayon pa rin kay del Prado.

Read more...