LTFRB, pinaigting ang pagbabantay sa pagbibigay ng diskuwento sa pasahe
Pinaigting ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabantay sa pagbibigay ng diskuwento sa pasahe sa public utility vehicles (PUVs).
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na marami ang mga nagrereklamo hinggil sa pagbibigay ng 20 porsiyentong special fare discount lalo na sa mga pasahero ng transport network vehicle services (TNVS).
Obligado ang PUVs na magbigay ng diskuwento sa pasahe sa senior citizens, estudyante, at sa mga taong may kapansanan.
Ayon kay Guadiz, ito ay nakapaloob sa Republic Act (RA) 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, at RA 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons.
Babala niya, ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin, masuspindi o bawian ng prangkisa.
Hinikayat niya rin ang publiko na isumbong ang mga hindi magbibigay ng diskuwento sa pasahe sa kabila ng pagpapakita ng mga lehitimong IDs,
Kailangan lamang aniya ay ibigay sa kanila ang mga detalye, tulad ng plate number ng PUV, tiket, oras, at lugar saan nangyari ang paglabag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.