Kongreso di aayaw sa VP impeachment special session – Escudero

PHOTO: Francis Escudero FOR STORY: Kongreso di aayaw sa VP impeachment special session – Escudero
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Aminado si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi makakatanggi ang Senado at ang Kamara sakaling magpatawag ng special session ang Malacañang para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Duda lamang ni Escudero kung magkakaroon ng quorum dahil abala na ang mga mambabatas sa pangangampanya.

Dinagdag pa niya, matagal nang naaprubahan ang sinusunod nilang legislative calendar.

BASAHIN: Pimentel hihirit ng senator’s caucus ukol sa VP impeachment trial

Kasabay nito, sinabi niya na tinanggap niya ang alok na tulong ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa pag-draft ng rules of impeachment.

Sinabi ni Escudero na batid niya na bar topnotcher si Pimentel kayat malaki ang maitutulong nito sa gagawing paghahanda para sa impeachment trial ni Duterte.

Unang sumuko na si Pimentel na hindi matutupad ang nais niyang simulan na ang impeachment trial ni Duterte dahil kontra si Escudero at ang mayorya ng mga senador ay sumusuporta dito.

Read more...