
METRO MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes na umabot na sa P1.3 bilyon ang halaga ng mga barya na naipalit sa coin deposit machines (CoDMs).
Hanggang noong nakaraang ika-15 ng Pebrero, 326.18 milyong piraso ng barya ang naideposito sa 299,457 na transaksyon.
Inilunsad ang CoDM project noong Hunyo 2023 at layunin nito na malikom ang mga barya at ang kapalit na halaga ay idedeposito sa e-wallet account ng kustomer.
BASAHIN: BSP nilinaw na walang bagong ‘Bagong Lipunan coins’
May opsyon din na ang naidepositong mga barya ay papalitan ng shopping vouchers.
Karamihan sa CoDMs ay inilagay sa shopping malls sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES