Pimentel hihirit ng senator’s caucus ukol sa VP impeachment trial

METRO MANILA, Philippines — Muling magpapadala ng sulat si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa pagsalang ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Sinabi ni Pimentel nitong Huwebes na hihilingin niya kay Escudero na magpatawag ng caucus sa hanay ng mga senador para pag-usapan ang mga isyung bumabalot sa impeachment trial.
Nilinaw naman ni Pimentel na bagamat ang impeachment trial ang pag-uusapan ng mga senador sa caucus, hindi ito dapat ituring na opisyal na hakbang kaugnay sa mga reklamo kay Duterte.
BASAHIN: Sagot ng Senado sa petition vs VP impeachment ipinasa sa OSG
Dapat aniya malaman ng bawat isa sa kanila ang posisyon ng isa’t isa ukol sa mga panawagan na simulan na ang paglilitis kay Duterte, gayundin sa dalawang petisyon sa Korte Suprema para pigilan ang pagsasagawa ng impeachment trial.
Sabi pa ni Pimentel na may karapatan ang sambayanan na malaman ang posisyon ng inihalal nilang mga senador sa dapat ng pagsisimula ng impeachment trial alisunod sa nakasaad sa 1987 Constitution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.