METRO MANILA, Philippines — “Lalabanan ko ‘yan hanggang sa dulo!”
Ito ang tanging naging tugon ni Sen. Imee Marcos nang hingian ng kanyang komento ukol sa hakbang ng Kamara upang mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte.
Kahapon, umabot sa 215 kongresista ang pumirma sa Articles of Impeachment laban kay Duterte at ito ay agad ipinadala sa Senado, na magsisilbing impeachment court.
BASAHIN: Articles of impeachment laban kay VP Duterte nasa Senado na
Kilalang malapit na magkaibigan sina Marcos at Duterte.
Samantala, sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na inaasahan na niya ang pagkilos sa Kamara para maalis sa puwesto si Duterte.
Tiniyak na lamang niya na titimbangin niya ang lahat at hindi paiiralin ang pagiging malapit kay Duterte kung mapapabilang pa siya sa mga aaktong hukom sa impeachment trial.
Kabilang sina Marcos at dela Rosa sa pitong re-electionist senators na kandidato sa papalapit na midterm elections.