3.8% unemployment noong 2024 pinakamababa sa 20 taon – PSA

PHOTO: Job applicants FOR STORY: 3.8% unemployment noong 2024 pinakamababa sa 20 taon - PSA
Mga aplikante ng trabaho sa the Public Employment Service Office in Manila on Feb. 24, 2023. |File photo kuha ni Richard A. Reyes, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Bumaba pa sa 3.1% ang naitalang unemployment rate noong Disyembre 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Bunga nito, 3.8% ang unemployment rate sa kabuuan ng nakalipas na taon at ito ang pinakamababa mula noong 2005.

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa na noong nakaraang taon, 1.94 milyong Filipino sa bansa ang walang trabaho at mababa ito sa naitalang 2.19 noong 2023.

BASAHIN: Employment rate ng Pilipinas tumaas noong November 2024

Binanggit pa niya ang unemployment rate noong 2023 ay 4.4%.

Noon din 2024, nakapagtala ng 96.2% employment rate katumbas ng 48.85 milyong Filipino at mataas ito sa 95.6% noong 2023.

Read more...