METRO MANILA, Philippines — Ginawaran ng World Lottery Association (WLA) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Level 2 Certificate for Responsible Gaming.
Ibinahagi ni PCSO General Manager Mel Robles na napabilang ang ahensiya sa “elite group of lottery operators” sa buong mundo.
Bunga ito anya ng isinagawang assessment ng isang independent panel sa mga programa ng PCSO bunga ng kanilang lotto games.
BASAHIN: PCSO muling kinilala na Best GOCC
Ayon kay Robles, kabilang sa kinilala ang kawanggawa ng ahensya, partikular na sa sektor ng kalusugan.
“Achieving the WLA Level 2 Certification demonstrates our ongoing commitment to balancing revenue generation for charitable causes with the promotion of responsible gaming,” sabi pa niya.
Ito raw ay patunay din na pinangangalagaan ng PCSO ang interes ng mga mananaya at mga pinagsisilbihan nilang komunidad.
Ibinahagi din nito ang kanilang mga plano para mapataas pa ang kinikita ng ahensya at makatulong sa gobyerno sa pagtugon sa kalamidad at pagbibigay kabuhayan sa mga Filipino.
“Looking ahead, the PCSO is dedicated to continuously enhancing its responsible gaming framework to achieve higher levels of WLA certification while fostering trust, transparency, and accountability among its stakeholders,” dinagdag pa ni Robles.