PCSO muling kinilala na Best GOCC

By Jan Escosio November 28, 2024 - 03:40 PM

PHOTO: PCSO officials STORY: PCSO muling kinilala na Best GOCC
Tinanggap ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang parangal mula sa Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations dahil sa maayos na pamamahala. —PCSO photo

METRO MANILA, Philippines —Sa ikalawang sunod na taon, kinilala ng Governance Commision for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang isa sa mga Best Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Ngayon 2024, dalawang natatanging pagkilala ang iginawad sa PCSO matapos mapabilang sa top ranking sa 2023 Performance Scorecard at ang pagkakakuha muli ng “perfect score” sa Stakeholder Relationship Section ng Corporate Governance Scorecard para sa mga taong 2021-2023.

Nitong nakaraang 2023, kinilala na ng CGC ang PCSO bilang “Most Improved GOCC” matapos makakuha ng 92.03% scorecard rating.

BASAHIN: PCSO nakapagtala ng record P265M lotto sales sa isang araw

Ang mga parangal ay tinanggap ng mga opisyal ng ahensiya sa pangunguna nina PCSO General Manager Mel Robles sa ginanap na GCG Awards ceremony noong ika-25. ng Nobyembre 25 sa Philipppine International Convention Center sa Maynila.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robles na ang pagkilala ay nagsisilbing patotoo sa dedikasyon at pagsusumikap ng mga opisyal at tauhan ng PCSO sa pagbibigay serbisyo alinsunod sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “Bagong Pilipinas.”

TAGS: GOCCs, Governance Commision for Government-Owned and Controlled Corporations, Philippine Charity Sweepstakes Office, GOCCs, Governance Commision for Government-Owned and Controlled Corporations, Philippine Charity Sweepstakes Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.