Comelec sisimulan na paglimbag ng 73M balota

PHOTO: Comelec office and logo FOR STORY: Comelec sisimulan na paglimbag ng 73M balota

METRO MANILA, Philippines — Ngayong hapon ng Lunes sisimulan na ang pag-imprenta ng 73 milyong balota na gagamitin sa midterm elections at sa unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia at aniya ang pag-imprenta ng mga balota ay tatagal ng 77 araw — o hanggang ika-14 ng Abril.

Sinabi ni Garcia na may priority list ang Comelec sa pag-imprenta ng mga balota, kabilang na ang para sa 11,000 na Filipino na nasa ibang bansa, gayundin ang gagamitin sa eleksyon sa BARMM.

BASAHIN: Comelec pabor sa online voting para sa Filipinos abroad sa 2025

Aniya inaasahan nila na makakapag-imprenta ng 800,000 hanggang 900,000 na balota kada araw.

Sinabi din ng opisyal na itutuloy nila ang pag-imprenta ng mga balota bagamat may mga umapila na mga diniskuwalipikang kandidato sa Korte Suprema.

Higit 300 na naghain ng certificate of candidacy (COC) ang idineklarang “nuisance candidates” ng Comelec.

Read more...