METRO MANILA, Philippines — Magandang pamana ng administrasyong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbura sa mga utang mga magsasaka.
Ito ang sinabi ni Sen. Francis “Tol” Tolentino nang pangunahan ang pamamahagi ng loan condonation certificates, titulo ng mga lupa at makinarya sa pagsasaka sa 3,000 magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya ang pagbasura sa mga utang ng mga magsasaka ay bunga ng New Agrarian Reform Emancipation Act (RA 11953) na ipinatupad noong nakaraang taon.
BASAHIN: House bill nais bigyan ng pensyon mga magsasaka, mangingisda
Dahil sa naturang batas, binura na ang lahat ng mga pagkakautang ng mga benepisyaryo ng agrarian reform program, kasama na ang mga interes at multa na bunga nang pagsasaka sa mga lupang ibinigay sa mga magsasaka.
Sinabi ni Tolentino na dahil sa bagong batas mawawala na ang intindihin ng mga magsasaka sa kanilang mga utang at sila ay mas magiging produktibo.
Dumalo sa pagtitipon sina Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Pangasinan Gov. Ramon Guico III at Alaminos City Mayor Arth Celeste.