Agarang ipatupad ang Expanded Centenarian Law – Sen. Bong Revilla

Binalaan ni Sen. Bong Revilla ang National Commission of Senior Citizens na agad ibigay ang P10,000 cash gift sa mga nasa edad 80, 85, 90 at 95 at P100,000 sa mga nasa edad 100 pagpasok ng 2025. (OSBR photo)

METRO MANILA, Philippines — Pinaalahanan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na sa pagpasok ng bagong taon ay dapat ikasa ang Expanded Centenarian Law (Republic Act  No. 11962).

Kasabay nito ang kanyang babala sa NCSC na papanagutin kapag nabigo ang agarang pagpapatupad ng bagong batas.

Sinabi ng senador na noon pang nakaraang Marso naipasa ang batas kayat halos isang taon na itong hinihintay ng mga lolo at lola.

BASAHIN: Senior citizens’ cash gifts isasama na sa 2025 national budget

“Huwag magkakamali ang NCSC na hindi ito agarang ipatupad. Hindi naman siguro bibiguin ang ating mga lolo at lola na inabangan na since last March,” sabi ng senador.

Nakasaad sa batas ang pagbibigay ng P10,000 sa mga lolo at lola na aabot sa 80, 85, 90 at 95 ang edad.

Ang aabot naman sa edad na 100 ay bibigyan ng P100,000.

Idniin ni Revilla na ang pondo para sa cash gifts sa humigit kumulang 200,000 senior citizens ay nakasama na sa 2025 General Appropriations Act.

Read more...