Senior citizens’ cash gifts isasama na sa 2025 national budget
METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes na mapopondohan na ang Expanded Centenarian Act (Republic Act No. 11982).
Tiwala si Ordanes na ang pondo para sa pagbibigay ng cash gifts sa senior citizens ay makakasama sa ihahain na 2025 General Appropriations Act.
Isinulong ni Otdanes sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng P10,000 cash gifts sa mga Filipino na aabot sa edad 80, 85, 90, at 95.
Ang aabot naman sa edad 100 ay tatanggap ng P100,000.
BASAHIN: House bill sa 20% off sa promo items para seniors, PWDs lusot
BASAHIN: 2 sa 5 seniors citizens‘ bills inaasahang pumasá sa Senado
Naging ganap itong batas noong nakaraang ika-26 ng Pebrero matapos pirmahan sa Malacañang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Ito ay munting pagkilala lamang sa ating mga mahal na senior citizens at pagmamalasakit sa kanila. Tulong na rin ito sa pangtustos sa kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain at gamot,” ani Ordanes.
Pinasalamatan naman ni Ordanes ang mga kapwa mambabatas na naghain ng katulad na panukala at ito ay sina Reps. Roy Loyola, L-Ray Villafuerte, Anthony Horibata, Nicolas Enciso, Loreto Amante, Miguel Luis Villafuerte, Mark Go, Bryan Revilla, Ruth Hernandez, Marlyn Agabas, Ma. Carmen Zamora, at Lani Mercado-Revilla.
Gayundin sin Reps. Paolo Duterte, Christopher Yap, Toby Tiangco, Sonny, Lagon, Daphne Lagon, Jeffrey Soriano, Mary Mitzi Uy, Maria Fe Abunda, Carlito Marquez, Horacio Suansing, Mikaela Suansing, Marivic Pilar, Paolo Ortega V, Alfred delos Santos, Julienne Baronda, at Patrick Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.