METRO MANILA, Philippines — Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang “skilled workers” sa bansa na mag-apply sa ilang posisyon sa gobyerno.
Sa inilabas na pahayag ng ahensiya. ang mga karpinetro, tubero, electrician, at iba pa ay maaring mabigyan ng skills elegibility Category II nang hindi kumukuha ng anumang pagsusulit.
Ang pagkuha nila ng eligibility ay base CSC Memorandum Circular No. 1o s. 2013 kung saan nakasaad na ang kuwalipikasyon ng ilang indibiduwal ay maaring hindi ibase sa written examinations.
BASAHIN: CSC tutulong ma-regular mga contractual workers sa gobyerno
Maari rin na mag-apply ang mga automotive mechanic, heavy equipment operator, laboratory technician, shrine curator at draftsman skills eligibility.
Nabatid na sila ay maaring mabigyan ng temporary appointment kung sila ay may “very satisfactory” performance rating sa loob ng isang taon.