CSC tutulong ma-regular mga contractual workers sa gobyerno

By Jan Escosio May 03, 2024 - 04:38 PM

PHOTO: Composite image Civil Service Commission logo over hand writing on paper STORY: CSC tutulong ma-regular mga contractual workers sa gobyerno
INQUIRER.net FILE PHOTO

MANILA, Philippines — May paraan ang Civil Service Commission (CSC) na magawang regular ang mga contract of service at job order na manggagawa sa gobyerno, sabi ni CSC Chairman Karlo Nograles nitong Biyernes.

Gagawin ito ng CSC sa pamamagitan ng Career Service Eligibility-Preference Rating (CSE-PR) nito.

Ayon kay Nograles, ginagamit ang CSE-PR sa mga manggagawa na nakapagsilbi na ng 10 taon at may kapaki-pakinabang ang kakayahan at karunungan ngunit kulang sa “eligibility” para sa plantilla na posisyon.

Nakasaad sa  CSC Resolution No. 2301123  na pinagtibay noong nakaraang ika-7 ngDisyembre na bibigyan ng pinakamataas na 10 puntos ang mga nakakuha ng 70 hanggang 70.99 grado sa civil service exam ang mga aplikante para sila ay maging kuwalipikado sila na Career Service Professional o Subprofessional.

Sa ganitong sistema ay maaabot na ang 80 passing grade.

Ang mga maaring mag-apply sa CSE-PR ay ang mga kumuha ng civil service exam simula noong Marso 3 at makakakuha ng hindi bababa sa 70 na grado.

TAGS: Civil Service Commission, government contractual workers, Civil Service Commission, government contractual workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.