METRO MANILA, Philippines — Titimbangin ng mga opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngayong Martes ang mga pangyayari na humantong sa pananampal ng dalawang beses ni Director Winston Casio sa isang Filipino sa isinagawang operasyon sa Bagac, Bataan noong nakaraang ika-31 ng Oktubre.
Nabatid ng Radyo Inquirer na magpupulong ang bumubuo ng Board of Directors ng komisyon para talakayin ang insidente.
Samantala, inamin ni Casio na mali ang kanyang ginawang pananampal ng dalawang beses sa isang Filipino at aniya tatanggapin niya ang anumang hakbang na gagawin ng mga kapwa director ng komisyon.
BASAHIN: Libingan sa illegal POGO hub sa Pampanga nais hukayin ng PAOCC
Katuwiran na lamang niya na ang dirty finger at pagmumura ng lalaki ay malaking insulto hindi lamang sa PAOCC kundi maging sa Office of the President (OP).
Unang sinuspindi ni PAOCC chief Gilbert Cruz si Casio bilang tagapagsalita ng kanilang tanggapan at hiningi din ang paliwanag ng huli ukol sa insidente.