Libingan sa illegal POGO hub sa Pampanga nais hukayin ng PAOCC
METRO MANILA, Philippines — Hiniling ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa isang korte na maglabas ng search warrant para maimbestigahan ang diumanoy libingan sa loob ng sinalakay na illegal POGO hub sa Porac, Pampanga.
Sinabi ni PAOCC spokesman Winston Casio ito ay para makumpirma ang impormasyon na may mga banyagang POGO workers na inilibing sa loob ng compound ng Lucky South 99.
BASAHIN: Hinilíng kay Alice Guo na iturò mga utak ng nga ilegál na POGO
Aniya, ang mga libingan ay ibinunyag ng mga testigo na nakikipagtulungan sa kanila sa kanilang pag-iimbestiga.
Dagdag ni Casio umaasa sila na bago matapos ang kasalukuyang linggo ay nailabas na ng korte ang search warrant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.