CharityPhilippines.org, unang online crowdfunding sa Pilipinas 

PHOTO: Fr. Anton Pascual, CPO program officer Nancy Sandoval, Cardinal Jose Advincula, and Ramon del Rosario. STORY: CharityPhilippines.org, unang online crowdfunding sa Pilipinas 
Kinilala ng Caritas Manila ang CharityPhilippines.org bilang top donor. Nasa larawan sina Fr. Anton Pascual, CPO program officer Nancy Sandoval, Cardinal Jose Advincula, at Ramon del Rosario. —Contributed Photo

METRO MANILA, Philippines — Pormal nang inilunsad ang CharityPhilippines.org, ang kauna-unanang online “crowdfunding platform sa Pilipinas.

Ang CharityPhilippines.org ang nagsisilbing tulay ng mga donor saan man sila sa mundo sa mga proyektong pang-kawanggawa dito sa bansa.

Nabatid ng Radyo Inquirer na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, naghanap ang organisasyon ng online search sa mga komunidad na nangangailangan ng ibayong tulong para mas maging madali sa mga donor na maghanap ng mga benepisyaryo ng kanilang tulong.

BASAHIN: Caritas Manila nakapamahagi na ng daan-daang milyong pisong ayuda sa mga apektado ng ECQ

Nagkaroon na rin ito ng ugnayan sa nongovermental organizations (NGOs) na may adbokasiya sa pangangalaga sa mga hayop, kabataan, disaster response, edukasyon, sa kapakanan ng senior citizens, kalikasan, paglaban sa kagutuman, karapatang pantao, katutubo, pagpapa-angat ng kabuhayan, at sports.

Kabilang na sa mga benepisyaryo ng organisasyon ay mga nakaligtas sa mga kalamidad at trahedya, may sakit na cancer at mga buntis na nasa krisis.

Sa kasalukuyan, matutunghayan na sa website ang 42 partner organizations, kasama na ang Caritas Manila, Tanging Yaman at Resources for the Blind, at 96 mga proyekto.

Hanggang noong nakaraang Agosto, umabot na sa higit P5 milyon ang nakalap ng CharityPhilippines.org

Read more...