Kerwin Espinosa itinuro si dela Rosa na nagdiin kay de Lima

PHOTO: Kerwin Espinosa and Ronald dela Rosa STORY: Kerwin Espinosa itinuro si dela Rosa na nagdiin kay de Lima
Rolan “Kerwin” Espinosa noong 2016, kasama si Ronald dela Rosa, na noo’y PNP chief pa at ngayon sa senador. —File photo na kuha ni Niño Jesus Orbeta | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Kerwin Espinosa nitong Biyernes na pinilit siya ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na idiin si dating Sen. Leila de Lima sa kasong pagbebenta ng droga.

Sa pagdinig ng House quad committee, sinabi ni Espinosa na ang pamimilit ay nangyari noong si dela Rosa ang hepe Philippine National Police (PNP).

Sabi pa ng diumanoy drug lord, pinilit din siya ni dela Rosa na idawit ang negosyanteng si Peter Lim.

BASAHIN: Hulíng drug case ni Leila de Lima ibinasura na ng korte

Sa kanyang testimoniya sa mga mambabatas, ang pamimilit sa kanya ng dating hepe ng PNP ay nangyari noong ika-17 ng Nobyembre 2016 pagbalik niya mula Abu Dhabi.

Umuwi siya ng Pilipinas para harapin ang kanyang drug cases.

Nangyari ito ilang araw matapos mapatay ang kanyang ama, si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Baybay City Provincial Jail.

Inaresto ang nakakatandang Espinosa dahil din sa kaso na may kinalaman sa droga.

Sabi pa ni Espinosa na pinagbantaan siya ni dela Rosa na sasapitin niya ang nangyari sa kanyang ama kung hindi ididiin sina de Lima at Lim.

Read more...