Bigtime fuel price hike nakaamba sa susunod na linggo

PHOTO: Fuel pumps STORY: Bigtime fuel price hike nakaamba sa susunod na linggo
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Sinabi ng isang opisyal ng Department of Energy (DOE) nitong Biyerness na makakabuting ihanda ng mga motorista ang kanilang mga sarili sa posibleng mataas na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Direcotr. Rodela Romero, ang presyo ng gasolina ay maaring tumaas ng P2 hanggang P2.30 kada litro, P2.35 hanggang P2.65 naman ang krudo, P2.45 hanggang P2.55  naman ang gaas.

Aniya, ang dahilan ay ang umiigting na tensiyon sa Middle East na nagdudulot ng pagkatakot na maapektuhan ang suplay ng langis.

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

Kasabay dito, ang pagtindi ng sitwasyon sa pagitan ng Israel at Lebanon simula noong Lunes ay sinundan ng tumaas nang tumaas ang presyo ng langis.

Noong nakaraang linggo, tumaas muli ang presyo ng mga produktong-petrolyo.

 

Read more...