METRO MANILA, Philippines — May mga usapan na sa pagitan ng ilang senador na dagdagan ang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ang ibinahagi nitong Huwebes ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Ayon sa kanya, nagpahayag sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva na ng gust nilang palakihin ang P732.2 million na inaprubahan ng Kamara para sa opisina ni Vice President Sara Duterte.
Ang halaga ay wala pa sa kalahati ng ipinanukalang higit P2 bilyon pondo ng OVP na inindorso ng Department of Budget and Management (DBM).
BASAHIN: 2025 budget ni VP Duterte itinulad sa 2022 budget ni VP Robredo
Sabi pa ni Zubiri na hindi pa napapag-usapan ang halaga na maaring maidagdag sa pondo ng OVP.
Umaasa din siya na haharap si Duterte kapag naisalang na sa plenaryo ang pondo para sa susunod na taon ng kanyang opisina.