METRO MANILA, Philippines — Kasabay nang paggunita ngayon araw ng World Maritime Day, hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) na palayain ang 17 Filipino seafarers na bihag pa rin ng Houthi rebels.
Ang 17 ay kabilang sa 25 tripulante ng MV Galaxy Leader na binihag ng rebeldeng grupo sa Red Sea noon pang nakaraang Nobyembre.
Ayon sa pahayag ng DFA nitong Biyernes, ginawa nito ang panawagan kasabay nang pagkilala sa kontribusyon ng mga marinong Filipino sa pandaigdigang ekonomiya.
BASAHIN: Umuwíng 21 seafarers may tig-P150,000 kay Romualdez, misis
Una nang nanawagan ang International Maritime Organization (IMO) at United Nations Security Council para sa pagrespeto sa karapatan at kalayaan sa paglalayag at para sa pagpapalaya sa 25 tripulante.
Umigting ang tensyon sa Red Sea halos isang taon na ang nakakalipas sa pagganti ng mga rebelde sa Israel.