2025 budget ni VP Duterte itinulad sa 2022 budget ni VP Robredo
METRO MANILA, Philippines — Mula sa P2.037 bilyon bumaba na lamang sa P733 milyon ang inaprubahang pondo para sa Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.
Ito ang napagkasunduan nitong Huwebes ng mga miyembro ng House appropriations committee.
Ang nabawas na halaga ay ililipat na lamang sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH) at sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
BASAHIN: OVP budget na piso OK lang kay VP Sara Duterte
Ang desisyon ng komite ay pinahayag ni Marikina Rep. Stella Quimbo, ang vice charperson ng komite.
Ayon kay Quimbo ang naalis na P1.293 bilyon ay inilaan ng OVP sa financial assistance, professional services, utility expenses, supplies and materials, at pambayad sa mga upa.
Binanggit niya na sa P80 milyong pondo para dapat sa mga upa at naibaba na sa P32 milyon.
Ang inaprubahang pondo ay halos katulad ng naiwan pondo ni dating Vice President Leni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.