Alice Guo nanindigan na ‘not guilty’ sa human trafficking case

PHOTO: Alice Guo at Senate hearing STORY: Alice Guo nanindigan na ‘not guilty’ sa human trafficking case
Humarap ulit sa Senate hearing ukol sa mga POGO si Alice Guo nitong Lunes, ika-9 ng Setyembre 2024. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nagpasok ng “not guilty plea” si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping nang basahan ng sakdal nitong Biyernes sa isang korte sa Pasig City sa kasong qualified human trafficking.

Ito ang sinabi ng kanyang abogadong si Nicolle Jamilla matapos ang pagbasa ng sakdal sa Regional Trial Court Branch 167 sa pamamagitan ng video conference kaninang umaga.

Naninindigan aniya si Guo na hindi ito sangkot sa human trafficking.

BASAHIN: Senado, Alice Guo nagkasundong magsagawa ng executive session

Nag-ugat ang kaso sa pagsalakay ng Presidential Anti-Organized Crimes Commission (PAOCC) sa illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban noong Marso.

Nadiskubre sa POGO hub ang may 800 na banyaga at Filipinong manggagawa.

May hiwalay na kasong katiwalian na kinahaharap si Guo sa isang korte sa Valenzuela City.

Read more...