Senado, Alice Guo nagkasundong magsagawa ng executive session
METRO MANILA, Philippines — Sinimulan ni Deputy Majority Leader JV Ejercito sa pahapyaw at nagtapos ang mga senador at si dating Bamban Mayor Alice Guo sa pagsasagawa ng executive session nitong Martes.
Nangyari ito sa huling minuto bago ang pagsuspindi ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng pinamumunuan niyang committee on women, children, family relations and gender equality.
Binanggit muna ni Ejercito ang posibilidad na mapagbigyan na ang hiling ni Guo — o si Guo Hua Ping — na magka executive session. Nagka-interes naman si Hontiveros sa naging sagot ni Guo na pasaring na natutumbok na ng komite ang mga personalidad na ayaw niyang ibunyag.
BASAHIN: 24 na ex-PNP chiefs iniimbestigahan ukol sa POGO payola exposé
Pumayag ang mga senador, maging ang mga unang nagpahayag ng pagkontra sa executive session, sa kondisyon na isasagawa na agad ito.
Humirit pa si Guo na kakausapin ang mga lead counsels niyang sina Stephen David at Alex Avisado, na kapwa nasa Cebu kayat hindi nakadalo sa pagdinig ngayon araw.
Nakiusap si Guo sa mga senador na sa Huwebes na lang isagawa ang executive session para kasama niya sina David at Avisado ngunit naging matigas ang mga senador na ngayon araw lamang ang maibibigay nila.
Nakumbinsi si Guo sa kondisyon na rin na hindi lahat-lahat ay kanya nang isisiwalat dahil wala ang dalawa niyang pangunahing abogado.
Isinagawa ang executive session sa opisina ni Majority Leader Francis Tolentino na katapat lamag ng Session Hall, kung saan isinagawa limang oras na pagdinig ukol sa mga illegal Philippine offshore gaming operator (Pogo) hubs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.