Bakasyon ng mga public school teachers dinoble ni Angara

PHOTO: Stock photo DepEd logo over empty classroom
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Mula sa 15 araw, ginawang 30 araw ni Education Secretary Sonny Angara ang vacation leaves ng public school teachers.

Base din sa DepEd Order No. 13 series of 2024, puwede na ang “offset” sa pag-absent ng mga guro dahil sa sakit o personal na dahilan.

Maaari din nilang mabawi ang mga bawas sa kanilang suweldo tuwing bakasyon sa pagtuturo.

BASAHIN: Pagpasa ng performance ratings ng mga guro ipinagpaliban

Ang mga guro na may isang taon na sa serbisyo at ang mga guro na naitalaga sa loob ng apat na buwan simula nang pagsisimula ng mga klase ay awtomatiko ng may 30 days vacation service credits (VSCs).

Sa bawat oras ng pagta-trabaho ng mga guro ay may katumbas itong 1. 25 oras ng VSC. At kung nag-trabaho sila ng Christmas o summer breaks, weekend o holiday ay may katumbas na itong 1.5 oras ng VSC.

May katumbas din na VSCs ang karagdagang teaching-related duties ng mga guro, tulad ng pagdalo ng training sessions, pagsasagawa ng remedial classes, pagsisilbi tuwing eleksyon, home visits, at parent-teacher conferences.

Read more...