24 na ex-PNP chiefs iniimbestigahan ukol sa POGO payola exposé

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed STORY: 24 na ex-PNP chiefs iniimbestigahan ukol sa POGO payola exposé
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Sinabi nitong Biyernes ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na 24 sa mga sinundan niyang hepe ang iniimbestigahan dahil sa pagbubunyag ng isang opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) sa pagdinig sa Senado.

Ayon kay Marbil, ititigil lamang nila ang pag-iimbestiga kung ibubunyag ni Pagcor Senior Vice President Raul Villanueva ang pangalan ng dating PNP chief na tumatanggap daw ng buwanang suhol mula sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Inamin ni Marbil na hindi nila ikinatuwa ang pagbubunyag ni Villanueva dahil apektado ang kanilang buong organisasyon.

BASAHIN: 41 na POGO handang lumayas ng Pilipinas – DOJ chief

BASAHIN: International syndicate sa likod ng POGOs inaalam kay Alice Guo

“It’s not the whole organization ng PNP alone. It’s peace and order apektado sa sinabi niya,” sabi ni Marbil.

Sa pagdinig sa 2025 budget ng PNP sa Senado kahapong Huwebes, inusisa ni Sen. Robinhood Padilla kay Marbil ang ibinunyag ni Villanueva.

Una nang nilinis ni Villanueva si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na kinompronta siya ukol sa kanyang pagbubunyag.

Maging si dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac — o si Guo Hua Ping — na iniuugnay sa illegal POGOs sa bansa, ay sinabi na hindi niya kakilala si dela Rosa.

Read more...