International syndicate sa likod ng POGOs inaalam kay Alice Guo
METRO MANILA, Phililippines — Pabor si Sen. JV Ejercito na pagbigyan ang hiling ng kampo ni dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na executive session ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality.
Ito ay kung, ayon sa senador, ang magiging daan para isiwalat na ni Guo kung anong international syndicate ang nasa likod ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Partikular na interesado si Ejercito na matukoy ang mga nasa likod ng pagpasok sa pulitika ni Guo, na nahalal na alkalde ng Bamban, Tarlac noong eleksyon noong 2022.
BASAHIN: Banta kay Alice Guo galing POGOs, Chinese mafia, spy – lawyer
Nangangamba ang senador na napasok na ng mga banyaga ang sistemang pulitikal ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga espiya.
Idiniin pa ni Ejercito na kailangan itong mabusisi ng husto dahil nakataya ang pambansang seguridad.
Dagdag pa nito na dapat na pag-aralan din ng mabuti ang sinasabing pagkunsidera kay Guo na “state witness” dahil aniya ito ay nakadepende sa isisiwalat niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.