Janet Lim Napoles, 2 pa abswelto sa graft at malversation cases

PHOTO: Sandiganbayan facade STORY: Janet Lim Napoles, 2 pa abswelto sa graft at malversation cases
Ang harap ng Centennial Building kung saan nakabase ang Sandiganbayan. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Inabsuwelto nitong Biyernes ng Sandiganbayan ang dalawang dating opisyal ng National Livelihood Development Corp. (NLDC) sa mga kasong graft at malversation kaugnay sa P5 million ng Priority Development Asssitance Fund (PDAF) ng isang dating mambabatas.

Sa pag-absuwelto kina dating NLDC president Gondelina Amata at Division chief Gregoria Buenaventura ay napawalang sala din ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Unang naghain ng demurrer to evidence si Napoles sa korte dahil sa mahina ang mga ebidensiya laban sa kanya, ngunit ito ay ibinasura ng mga mahistrado.

BASAHIN: “Pork barrel scam queen” Napoles lusot sa plunder, swak sa corruption

Una na rin ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mga kaso ni Ortega.

Sa naging alegasyon ng prosekusyon, sinabi na ang PDAF ni Ortega ay idinaan sa Social Development Program for Farmers Foundation Inc. ni Napoles at ang nakinabang sa pondo ay ang mga akusado.

Base sa naging desisyon ng anti-graft court, walang maaring magpatunay na nakinabang sina Amata at Buenaventura sa mga naging transaksyon sa paggamit ng PDAF ni dating La Union Rep. Victor Francisco Ortega.

Read more...