Ex-mayor pinipilit daw na idawit sa drug trade sina Roxas, Drilon

PHOTO: Jed Patrick Mabilog STORY: Ex-mayor pinipilit daw na idawit sa drug trade sina Roxas, Drilon
Former Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog —File photo mula sa Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Ibinunyag ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na may plano noong administrasyong-Duterte na idawit sa drug trading sina dating Sens. Mar Roxas at Franklin Drilon.

Emosyonal na ibinahagi ni Mabilog ang kanyang naging karanasan nang isama siya sa “narco list” ni noon ay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Aniya, kinailangan niyang umalis ng Pilipinas at manatili sa Estados Unidos ng pitong taon para sa kaligtasan nila ng kanyang pamilya.

BASAHIN: Rodrigo Duterte isinangkot sa pagpatay sa 3 Chinese drug lords

Sinabi ni Mabilog na kung hindi sa pagmamalasakit ng isang kaibigan ay maaring may masamang nangyari sa kanya.

Aniya sa pamamagitan ni Chief Supt. Bernardo Diaz — ang hepe noon ng Western Visatas Police Regional Office— ay inimbitahan siya na magpunta sa Camp Crame, ngunit dahil sa natanggap niyang babala ay pinili niya na magtungo na lang sa Japan.

Noong siya ay nasa Japan nakausap pa niya ang noon ay hepe noon ng Philippine National Police, si Ronald “Bato” dela Rosa na ngayon ay senador, at nangako ito na tutulungan siya sa paniniwalang inosente siya.

Ngunit muling siyang binalaan at doon ay nalaman niya na ang plano kapag nagpunta siya sa Camp Crame ay ipapaturo sa kanya sina Roxas at Drilon na “drug protectors.”

Read more...