Alice Guo nag-alok daw ng P1-B para makausap ang First Family

PHOTO: Panfilo Lacson STORY: Alice Guo nag-alok daw ng P1-B para makausap ang First Family
Former Sen. Panfilo Lacson —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Phililppines — Inalok daw ni Alice Guo, o Guo Hua Ping, ng P1 bilyon ang kaibigan ni dating Sen. Panfilo Lacson na Filipino-Chinese na negosyante na malapit sa Unang Pamilya.

Ito ang pahayag ni Lacson mismo nitong Miyerkules.

Ayon kay Lacson, gusto raw makausap ni Guo ang Unang Pamilya sa pamamagitan ng kanyang kaibigang negosyante.

BASAHIN: Alice Guo ikinanta ang tao na nagpatakas sa kanya ng Pilipinas

BASAHIN: Banta kay Alice Guo galing POGOs, Chinese mafia, spy – lawyer

Humarap ulit sa Senate hearing ukol sa mga POGO si Alice Guo nitong Lunes, ika-9 ng Setyembre 2024. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

Dagdag pa ni Lacson, noong una ay ayaw niyang paniwalaan ang kuwento ng kaibigan ngunit kinalaunan ay naniwala na siya dahil sa ipinakita nitong mga larawan ng pag-uusap nila ni Guo.

Nabatid na hindi naman na nilapitan pa ng negosyante ang contact niya sa Unang Pamilya.

Read more...