Banta kay Alice Guo galing POGOs, Chinese mafia, spy – lawyer

By Jan Escosio September 06, 2024 - 04:04 PM

PHOTO: Stephen David STORY: Banta kay Alice Guo galing POGOs, Chinese mafia, spy – lawyer
Si Stephen David, ang abogado ni Alice Guo —Kuha ni Arnel Tacson
| INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines – Ang mga banta sa buhay ni dating Mayor Alice Guo ng Bamban,  Tarlace diumano ay mula sa Chinese mafia, sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), Chinese spy, at maging mga police scalawags.

Ito ang ibinahagi ni Stephen Guo, ang abogado ni Guo o Guo Hua Ping, isang panayam nitong Huwebes.

Sabi pa ni David, sa kanyang palaga, ay mas gusto ni Guo na malagay sa kustodiya ng Senado para makasama ang kanyang nakakatandang kapatid na si Shiela Guo.

BASAHIN: Walang VIP treatment kay Alice Guo – PNP

Ngunit aniya, wala naman silang magagawa dahil korte ang nagpapasya kung saan maarin makulong ang isang indibiduwal.

Inamin na lamang din niya na sadya silang hindi nagpiyansa sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na kinahaharap ni Guo upang magkaroon sila ng ilang araw na mapag-isipan ang kanilang mga gagawing hakbang.

Kumpiyansa din naman si David na ligtas si Guo sa Camp Crame dahil nakakulong din sa PNP Custodial Center ang ilang high-value individuals.

Natanong din ang abogado sa pagiging masayahin ni Guo nang iharap ito sa mga mamamahayag ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Ayon kay David masaya lamang ang kanyang kliyente dahil alam niya na ligtas na ito mula sa mga pagbabanta sa kanyang buhay.

TAGS: Alice Guo, Illegal POGO hubs, Philippine National Police, Stephen David, Alice Guo, Illegal POGO hubs, Philippine National Police, Stephen David

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.