Alice Guo ikinanta ang tao na nagpatakas sa kanya ng Pilipinas

By Jan Escosio September 09, 2024 - 01:15 PM

PHOTO: Alice Guo at Senate hearing STORY: Alice Guo ikinanta ang tao na nagpatakas sa kanya ng Pilipinas
Humarap ulit sa Senate hearing ukol sa mga POGO si Alice Guo nitong Lunes, ika-9 ng Setyembre 2024. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Napilitan na si dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na ibahagi nitong Lunes sa mga senador ang taong tumulong sa kanya para makatakas ng Pilipinas noong nakaraang Hulyo.

Sa pamimilit ng ilang senador, isinulat sa papel ni Guo ang pangalan ng tao matapos pakiusapan ang mga mambabatas na huwag isapubliko ang pangalan.

Makalipas ang ilang minuto, ibinahagi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na ang tao na tinukoy ni Guo ay may hawak na limang pasaporte at ito ay kasalukuyang nasa Taiwan.

BASAHIN: Alice Guo inaresto na ng mga awtoridad sa Indonesia

Ayon kay Guo tinulungan siya ng naturang tao na makatakas matapos siyang mapagsalitaan ito ng masasama ngunit hindi na siya nagbigay pa ng detalye.

Sinabi pa nito na sa laot sa Metro Manila sila sumakay ng yate bago lumipat sa isang malaking barko na nagdala sa kanila sa Malaysia.

Sa tantiya niya apat na araw silang bumiyahe at nanatili lamang sila sa maliit na kuwarto.

Itinanggi din niya ang lumabas na ulat na gumastos siya ng P200 milyon para makatakas at sa testimoniya niya sa pagdinig sinabi ni Guo na wala siyang ginastos sa kanilang biyahe patungong Malaysia.

 

TAGS: Alice Guo, Illegal POGO hubs, Alice Guo, Illegal POGO hubs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.