MMDA sinuspindi number coding scheme dahil sa Enteng

PHOTO: Southbound lane at EDSA-Kamuning Flover STORY: MMDA sinuspindi number coding scheme dahil sa Enteng
Parte ng EDSA sa may Kamuning flyover. —File photo mula sa Metropolitan Manila Developmentn Authority

METRO MANILA, Philippines — Minabuting suspindihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayon araw ng Lunes ang pagpapatupad ng number coding scheme dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Storm Enteng at habagat.

Inilabas ang abiso nang 7 a.m. ilang oras matapos suspindihin ng Malacañang ang pasok sa mga eskuwelahan sa Metro Manila.

BASAHIN: Enteng napanatili ang lakas, lumihis patungong Polillo Islands

Iniulat din ng ahensiya ang pagbaha sa ilang lansangan sa Metro Manila bunga ng magdamag na pag-ulan.

Ilang lokal na pamahalaan sa Metro Maynila ang nagsuspindi na rin ng pasok sa kanilang mga tanggapan.

Read more...