VP Duterte maaaring ma-impeach kung mali ang gamit ng funds

PHOTO: Sara Duterte STORY: VP Duterte maaaring ma-impeach kung mali ang gamit ng funds
Vice President Sara Duterte | Larawan mula sa Facebook account niya

Sapat ng dahilan para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte ang maling paggamit ng confidential funds.

Ito ang sinabi ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan nitong Biyernes.

“Di naman puwedeng gagawa ng kalokohan tapos pababayaan na lang. Dapat may accountability,” sabi ni Castro.

“Sa paglulustay ng confidential funds, sa panahong kulang na kulang ang pondo para sa serbisyo publiko, at sa pagtangging ipaliwanag ito sa taumbayan, malinaw na may batayan ang impeachment.”

BASAHIN: VP Duterte duda na sa pagkasa ng OVP projects sa 2025

Sa pagdinig kamakailan para sa pondo ng Office of the Vice President, pinagtuunan ng pansin ni Castro ang notice of disallowance ng Commission on Audit (COA) na nag-aatas sa OVP na ibalik ang P73 milyon sa P125 milyong ginasta ng tangapan ni Duterte sa loob ng 11 araw noong nakaraang Disyembre.

Ang P125 milyon ay ginasta sa pagsasagawa diumano ng “surveillance operations” sa 132 lugar sa bansa.

Hindi naman aniya naipaliwanag ni Duterte ang magandang ibinunga ng pinagkagastusan ng naturang halaga.

Binatikos din niya ito sa hindi pagsagot o pagbibigay paliwanag sa mga tanong ng mga mambabatas ukol sa ibinigay na pondo sa OVP.

Read more...