Enteng napanatili ang lakas, lumihis patungong Polillo Islands
METRO MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Enteng ang taglay na lakas kasabay nang paglihis sa dagat sa silangan ng Polillo Islands sa lalawigan ng Quezon, ayon sa bulletin nitong 11 a.m. ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ang Enteng ay hulin namataan nitong 10 a.m. na nasa layong 115 km sa hilagang-silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may bugso na umaabot sa 90 kph.
Patungo ito sa direksyon na hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.
BASAHIN: MMDA sinuspindi number coding scheme dahil sa Enteng
Ang lakas ng hangin nito ay nararamdaman hanggang sa layong 290 km mula sa gitna.
Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod;
- gilagang bahagi ng Ilocos Norte
- Apayao
- silangang bahagi ng Kalinga: Rizal, Pinukpuk, City of Tabuk
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Isabela
- Quirino
- hilagang bahagi ng Aurora: Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dipaculao, Baler
- Polillo Islands
- hilagang bahagi ng Camarines Norte: Santa Elena, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons
Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod:
- Batanes
- natitirang bahagi ng Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- silangang bahagi ng Pangasinan: Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas
- Abra
- natitirang bahagi ng Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Vizcaya
- natitirang bahagi ng Aurora
- Nueva Ecija
- silangang bahagi ng Pampanga: Candaba
- silangang bahagi ng Bulacan: Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, City of San Jose del Monte, Obando, City of Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel
- Metro Manila
- natitirang bahagi ng Quezon
- Rizal
- Laguna
- silangang bahagi ng Batangas: San Juan, Santo Tomas, City of Tanauan, Lipa City, Malvar, Balete, Padre Garcia, Rosario
- Marinduque
- natitirang bahagi ng Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
Ayon sa PAGASA maaring maging malakas ang pag-ulan sa Calabarzon, Metro Manila, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Isabela, Cagayan, at Benguet.
Magpapatuloy naman ang pag-ulan sa Marinduque, Romblon, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.