METRO MANILA, Philippines — Maaaring buksan na ang isang bahagi ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa pagtatapos ng 2025, ayon sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules.
Ngunit ang magiging biyahe ng linya ay mula lamang sa North Avenue Joint Station hanggang Quirino Station, nilinaw ni Transportation Undersecretary Jeremy Regino.
Aniya maaring makumpleto ang biyahe hanggang San Jose del Monte City sa Bulacan sa 2027.
BASAHIN: Higit 129-M sumakay sa MRT 3 noong 2023
Ang 22-km na mass transport system ay binubuo ng 14 stations — Quezon-North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.
Kapag naging operasyonal, ang biyahe mula sa magkabilang dulong istasyon ay tatagal lamang ng 35 minuto.
Sa unang taon ang magiging kapasidad nito ay hanggang 300,000 pasahero.