‘Sinungaling’ si Shiela Guo, sabi ni Justice Secretary Remulla

PHOTO: Jesus Crispin Remulla STORY: ‘Sinungaling’ si Shiela Guo, sabi ni Justice Secretary Remulla
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla —Larawan mula sa Facebook page ng Department of Justice

METRO MANILA, Philippines — Mapait sa panlasa ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ipinalulutang na mungkahi na gawing state witness si Shiela Guo laban sa kinikilala niyang nakakabatang kapatid na si dating Mayor Alice Guo.

Ayon kay Remulla hindi kapani-paniwala ang ibinahaging detalye ni Shiela sa pagtakas nila ng kanyang kapatid na sina Alice at Wesley, gayundin ni Cassandra Ong.

“Sinungaling siya,” idinin ni Remulla.

BASAHIN: Kasama si Alice Guo sa pagtakas sa Pilipinas – kapatid

Ipinaliwanag ng kalihim na mahirap paniwalaan ang pagsakay ng mga Guo at ni Ong ng bangkang pangingisda at na inabot ng tatlong araw ang kanilang biyahe hanggang Malaysia.

May teorya ito na maaring sa Mindanao o Palawan ang exit point ng apat.

Tiniyak din ni Remulla na mangyayari ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “heads with roll“ dahil sa pagkakatakas ng mga Guo. Ngunit tumanggi si Remulla na magbigay pa ng detalye dahil sa nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Read more...