Kasama si Alice Guo sa pagtakas sa Pilipinas – kapatid

By Jan Escosio August 27, 2024 - 01:45 PM

PHOTO: Bamban Mayor Alice Guo STORY: Kasama si Alice Guo sa pagtakas sa Pilipinas – kapatid
Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac —Kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines —Kasama ni Shiela Guo ang  kanyang nakakabatang kapatid na si dating Mayor Alice Guo ng tumakas sila sa Pilipinas noong Hulyo.

Ito ay inamin ni Shiela Guo sa pagharap nito sa joint hearing ng tatlong komite ng Senado nitong Martes.

Sa salaysay niya, sinabi ni Shiela na isang gabi noong Hulyo nang sunduin siya ng isang puting van sa kanilang farm sa Tarlac at aniya bumiyahe sila ng ilang oras bago sumakay sa isang puting bangka.

Bago magliwanag, lumipat sila sa mas malaking bangka, bago muling lumipat sa maliit na bangka na naghatid sa kanila sa Malaysia.

BASAHIN: Marcos alam na sino ang sisipain dahil sa pagtakas ni Alice Guo

Hiniling ni Stephen David, ang abogado ni Guo, na magkaroon ng executive session, ngunit kinontra siya ni Sen. Ronald dela Rosa dahil hindi usaping pambansang seguridad ang tinatalakay.

Samantala, sinabi ni Shiela na hindi na niya alam ang kinaroroonan ng kanyang nakakabatang kapatid.

Aniya, nagkahiwalay silang dalawa at ang kapatid nilang si Wesley sa Indonesia.

Kuwento pa niya, mula sa Malaysia ay nagpunta sila sa Singapore bago nagbalik sa Indonesia.

Dagdag pa niya, babalik sana sila ni Wesley sa Singapore bago pumunta sa Hong Kong, ngunit naaresto na sila ng mga awtoridad ng Indonesia.

TAGS: Alice Guo, Illegal POGO hubs, Shiela Guo, Alice Guo, Illegal POGO hubs, Shiela Guo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.