Shiela Guo, Cassandra Ong sasampahan ng mga kasong kriminal

PHOTO: Shiela Guo
Si Shiela Guo, ang kapatid ni dismissed Mayor Alice Guo, ay sumailalim sa medical checkup sa Senado nitong Lunes, ika-26 ng Agosto 2024. —Larawan mula sa opisina ni Senate President Francis Escudero)

METRO MANILA, Philippines — Inaprubahan ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kina Shiela Guo at Cassandra Ong.

Base sa 25-pahinang resolusyon, sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon na sasampahan si Guo o Zhang Mier ng disobedience to summons dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig sa Senado at paglabag sa Philippine Passport Act dahil sa paggamit ng pekeng Philippine passport.

Samantala, si Ong naman ay sasampahan ng mga kasong obstruction of justice at disobedience to summons dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig sa Kamara.

BASAHIN: Sheila Guo, Cassandra Ong nasa kustodiya ng NBI

Inatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na patuloy na magsagawa ng imbestigasyon at pagtibayin ng husto ang mga kasong isasampa laban sa dalawa.

Kapwa naaresto sina Guo at Ong ng mga awtoridad sa Indonesia matapos tumakas ng Pilipinas noong Hulyo.

Read more...