43 negosyo nabuking ng DTI na lumabag sa price freeze

PHOTO: Cristina Aldeguer-Roque STORY: 43 negosyo nabuking ng DTI na lumabag sa price freeze
Si Undersecretary Cristina Aldeguer-Roque ang itinalagang acting secretary ng DTI. | File photo mula sa DTI

METRO MANILA, Philippines — Nasa 43 ang mga negosyo ang nadiskubreng lumabag sa price freeze order na ipinatupad dahil sa state of calamity na idineklara sa Metro Manila bunsod ng Typhoon Carina.

Ito ang pahayag nitong Miyerkules ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay acting Trade Secretary Ma. Cristina Roque, naisyuhan na ng notices of violations ang mga naturang negosyo.

Base sa proseso, may dalawang araw ang mga ito para magsumite ng kanilang mga paliwanag.

BASAHIN: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina

Sabi ni Roque na nais lamang protektahan ng DTI ang interes ng mga konsyumer, kasama na ang ibang mga negosyong sumusunod sa utos .

Kaninang Miyerkules ay pinangunahan ng kalihim ang inspection sa Guadalupe Market sa Makati.

Wala naman sa nabisitang dalawang supermarket at 12 puwesto sa palengke ang nadiskubre na sobra sa itinakdang presyo ang mga paninda.

Read more...