VP Duterte alam ang planong impeachment laban sa kanya

PHOTO: Sara Duterte STORY: VP Duterte alam ang planong impeachment laban sa kanya
Vice President Sara Duterte | Larawan mula sa Facebook account niya

METRO MANILA, Philippines — Batid ni Vice President Sara Duterte na may nilulutong plano ang ilang miyembro ng Kamara para siya ay patalsikin sa puwesto.

Sinabi ni Duterte nitong Martes na nalaman niya ang pinag-uusapan na pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya mula sa mga tapat na kaibigan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Aniya natatakot lamang ang mga ito kayat palihim ang pakikipag-ugnayan sa kanya.

BASAHIN: Puna ni VP Duterte sa gobyerno pangit sa paningin ng mundo – Ejercito

Idiniin ni Duterte na hindi siya natatakot kahit matuloy ang pagsasampa ng impeachment complaint laban sa kanya.

Sabi pa nito, ang mga nagbabalak nito ang natatakot sa maaaring gawin ng kanyang pamilya sa 2028 elections.

Dumistansiya din siya sa isyung drug smuggling ng kanyang asawa na si Hans Carpio.

Read more...