State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina

By Jan Escosio July 24, 2024 - 03:05 PM

PHOTO: Mga miyembro ng rescue team namamangka sa isang binahang kalye sa Manila dahil sa Typhoon Carina, nitong Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024. STORY: State of calamity idineklara sa Metro Manila dahil sa Carina
Mga miyembro ng rescue team namamangka sa isang binahang kalye sa Manila dahil sa Typhoon Carina, nitong Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024. —Kuha ni Ted Aljibe ng Agence France-Presse

FOR EMERGENCIES: List of government hotlines 

METRO MANILA, Philippines — Isinailalim sa state of calamity ang Metro Manila bunga ng malawkaang pagbaha na idinulot ng malakas na pag-ulan bunga ng habagat na pinaigting ng Typhoon Carina, na ang international name ay Gaemi.

lInanunsyo ito nitong Miyerkules ng hapon ni Interior Secretarty Benhur Abalos matapos ang ang kanyang pakikipag-pulong sa Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng mga alkalde ng Metro Manila, ang National Capital Region.

Ang deklarasyo mg MMC sa pangunguna ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Nakipagpulong si Abalos sa mga alkalde upang alamin ang sitwasyon sa Metro Manila.

BASAHIN: LIVE UPDATES: Typhoon Carina

BASAHIN: Signal No. 2 itinaas sa Batanes sa paglapit ni Carina

Matapos ang pulong ay nagtungo sa Marikina City si Abalos para almin ang sitwasyon doon sahil sa pag-apaw ng Marikina River.

Umabot sa 20.5 metro ang antas ng tubig sa naturang ilog na lagoas na sa highest level nito na 18 meters.

Pinaka-apektado din ng pagbaha ang Quezon City, Valenzuela City, Malabon City, Manila, at Navotas City

Sa Quezon City, higit 25,000 residente ang lumikas sa evacuation centers.

TAGS: Carina, Metro Manila, State of Calamity, Carina, Metro Manila, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.