METRO MANILA, Philippines — Ikinukunsidera ng gobyerno ng Pilipinas na idulog sa isang international body ang pagbangga at paninira ng China sa dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa pahayag nitong Martes ni retired Vice Adm. Alexander Lopez, ang tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC), sa ngayon ay higit pa sa paghahain ng diplomatic protest ang binabalak ng gobyerno.
Miyembro ng NMC ang Office of the Solicitor General (OSG) at ito ang maaring mag-aral sa mga aksiyong-legal na gagawin ukol sa insidente, ayon naman kay Secretary Andres Centino, ang presidential assistant on maritime concerns.
BASAHIN: China Coast Guard, Navy ships sa WPS dumami – PN
BASAHIN: China, PH ships ‘collided’ in West Philippine Sea, Beijing says
Hindi rin isinasantabi ang paghahain ng panibagong diplomatic protest laban sa China.
Nagtamo ng pinsala ang BRP Bagacay (MRRV-4410) at BRP Cape Engaño (MRRV-4411) nang banggain ang mga ito nitong Lunes ng mga sasakyang pandagat ng China Coast Guard (CCG) sa kanilang paglalayag patungo sa Patag at Lawak Islands sa Escoda Shoal.