METRO MANILA, Philippines — Nadagdagan ang bilang ng mga barko ng China People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Base sa ulat ng Philippine Navy (PN) nitong Martes, may siyam na Chinese Navy vessels at 13 CCG vessels sa WPS noong ika-6 hanggang ika-12 ng Agosto. Mataas ito sa namataan na anim na Chinese Navy vessels at isang dosenang CCG vessels noong ika-30 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto.
Sa 13 Chinese Coast Guard vessels, tatlo ang nasa Bajo de Masinloc, lima sa Ayungin Shoal, tatlo sa Sabina Shoal, at dalawa sa Pagasa Island.
BASAHIN: Tolentino sa DFA: Magpatulóng sa ICRC sa WPS resupply mission
Samantala, sa siyam na Chinese Navy vessels, tatlo ang nasa Sabina Shoal, dalawa sa Pagasa Island, at tig-isa sa Ayungin Shoal, Likas Island, Patag Island, at sa Iroquois Reef.
Bumaba naman sa 68 ang China Maritime Militia Vessels mula sa 106 ang nasa WPS, 37 ang nasa Pagasa Island, 13 sa Sabina Shoal, anim sa Bajo de Masinloc at sa Panata Island, apat sa Ayungin Shoal at dalawa sa Lawak Island
Naging dalawa na rin ang China Research and Survey Vessels mula sa isa noong nakaraang linggo at ang mga ito ay nakita sa Ayungin Shoal at Patag Island.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.