METRO MANILA, Philippines — Pinandigan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pag-aalok ng P10 milyong pabuya para sa ikaaaresto ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC).
Sa pagdinig nitong Martes ng Senate commitee on public order and dangerours drugs, ipinagdiinan din ni Abalos na hindi niya hawak ang pabuya at ito aniya ay mula sa mga pribadong indibiduwal.
Ipinatawag ang pagdinig ni Sen. Ronald “Bato∏ dela Rosa ukol sa resolusyon na “overkill” ang pagsalakay ng mga awtoridad sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound sa Davao City para isilbi ang arrest warrant kay Quiboloy.
BASAHIN: Freeze order sa ari-arian ni Quiboloy nilabas ng CA
Hindi din nagustuhan ng kampo ni Quiboloy ang pagbanggit ni Abalos sa detalye ng mga kinahaharap na kaso ng una.
Hinamon pa ng kalihim si Quiboloy na lumutang na at harapin ang mga kaso.