Puna ni VP Duterte sa gobyerno pangit sa paningin ng mundo – Ejercito

By Jan Escosio August 09, 2024 - 06:15 AM

PHOTO: Sara Duterte STORY: Puna ni VP Duterte sa gobyerno pangit sa paningin ng mundo – Ejercito

METRO MANILA, Philippines — Nag-aalala si Sen. JV Ejercito na nagbigay ng pangit na impresyon sa mundo ang pagpuna ni Vice President Sara Duterte sa administrasyong ni President Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa pahayag ni Ejercito nitong Huwebes, ang  kinahaharap na mga problema ng bansa ay hindi masosolusyonan sa loob ng dalawa o tatlong taon.

Hindi aniya mawawala ang mga isyu sa isang iglap lamang.

BASAHIN: Birò lang ‘designated survivor’ remark ni VP Duterte – Escudero

Dagdag pa ni Ejercito, nalulungkot siya na tila may lamat na ang UniTeam nina Marcos at Duterte dahil maaring magbigay ito ng impresyon sa ibang mga gobyerno na hindi maayos ang sitwasyong pulitikal sa Pilipinas.

Ito aniya ay maaring pagpapakita na hindi nagkakaunawaan ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Sa kabila, nito, umaasa si Ejercito na hindi mamasamain ni Marcos ang mga banat ni Duterte na may mga opisyal sa kasalukuyang gobyerno na hindi tapat at nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.

Samantala, sinabi nanman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na maaring makabuti kung magbibigay din ng kanyang kontra-State of the Nation Address (SONA) si Duterte.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., JV Ejercito, Sara Duterete, Ferdinand Marcos Jr., JV Ejercito, Sara Duterete

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.