METRO MANILA, Philippines — Higit isang buwan na ang lumipas nang makatakas ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ayon sa pahayag nitong Lunes ni Sen. Risa Hontiveros.
Ayon sa mga dokumentong napasa kay Hontiveros, gabi ng ika-17 ng Hulyo nakalabas ng Pilipinas si Guo at lumipad patungo ng Kuala Lumpur sa Malaysia gamit ang kanyang Philippine passport.
Dagdag pa ng senadora, makalipas ang mahigit isang linggo, nakipagkita na si Guo sa kanyang mga magulang na sina Jian Zhong Guo at Lin Wenyi at mga kapatid.
BASAHIN: Escudero: Baka padudahan abilidad ng PNP kung di mahuli si Guo
BASAHIN: Tax evasion case isinampa ng BIR laban kay Mayor Alice Guo
Ang pamilya ni Guo, sabi ni Hontiveros ay galing ng Mainland China.
Sa huling pagdinig sa Senado, ipinadiinan pa ng Bureau of Immigration na wala silang record na nakalabas na ng bansa si Guo, samantalang ayon sa National Bureau of Investigation, patuloy ang kanilang paghahanap sa bansa kay Guo.
Ang pagtakas ni Guo ay nangyari ilang araw matapos magpalabas ng arrest order ang Senado para sa kanya.